64

Dec 25, 2017 @ 16:48
By

Facebook page ni Paolo Duterte, burado na sa social media

Kasabay ng pagbibitiw bilang vice mayor ng Davao City, isinabay na ring binura ni Paolo Duterte ang kanyang official Facebook page na Vice Mayor Pulong Duterte – Official.

Alas-tres ng hapon kanina nang i-delete ang Facebook page ng bise alkalde at nagpasalamat ito sa lahat ng mga sumuporta sa kanya.

Bumati rin ito ng Merry Christmas sa salitang Bisaya.

Agad na umani ng mahigit tatlong daang komento ang pamamaalam ng alkalde sa Facebook at 176 shares habang marami ang nanghihinayang sa pagbibitiw nito.

Ang iba naman ay hinangaan siya sa naging desisyon nito.

Narito ang ilang comments ng kanyang supporters:

Kennedy Feria: “A very rare trait nowadays of a man in public service. Godspeed VM Paolo. Thank you for your service to the nation and to the people of Davao.”

Jy Gi: “You may have reasons to delete your account but i hope u will think again that your supporters need you through this account… daghang mga dabaweños nga makapaabot sa ilang tuyo tungod aning imong page, mao ng daghang nahibong , nqngutana og magool nganong imo ning wagtangon.”

Huling post ng bise alkalde sa kanyang FB ay ang mensahe sa mga taga-Davao sa salitang Bisaya.

“Sa tanan nisuporta ka nako, hilabi na gyud sa inyo mga Dabawenyo na naghatag ug pagsalig ka nako. DAGHANG SALAMAT KANINONG TANAN ug MAAYOS PASKO KANINYO!”

Matatandaang sa Facebook nagsimula ang sagutan ng bise alkalde sa kanyang anak na si Isabelle na pinagpiyestahan ng mga netizens.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?