73

By

Facebook page ng Parokya ni Edgar, nabawi sa hackers

Masayang binalita ni Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda na narekober na nila mula sa mga hacker ang official Facebook page ng kanilang banda.

Sobrang hirap umano ng pinagdaanan nila dahil kinailangan pa nila itong ipanotaryo para patunayang kanila talaga ang page.

“Finally after six weeks, nabawi namin ‘yung Parokya page,” sabi ni Chito sa video post sa kanilang FB page.

Sa isa pang post, nagpasalamat ito sa mga nagsasayang ng oras sa kanilang Official Facebook Page.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?