26

Mar 24, 2020 @ 21:32
By

Facebook nag-donate ng 720,000 face masks sa mga health worker

Kumilos na rin ang social media giant Facebook para tulungan ang mga health worker sa pagsugpo sa pagkalat ng COVID-19.

Ayon Facebook founder at CEO na si Mark Zuckerberg, nag-donate ang kumpanya ng 720,000 face masks sa mga health worker noong Marso 22.

Unang inanunsyo ni Zuckerberg na makakatanggap ang staff ng Facebook ng $1,000 o mahigit P51,000 na bonus dahil sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?