30

Oct 5, 2021 @ 11:36
By

Facebook, Messenger pumalya: Mark Zuckerberg nag-sorry

Naglabas ng public apology si American internet entrepreneur Mark Zuckerberg matapos hindi magamit ng mga netizen sa halos 6 oras ang kanyang Facebook at Messenger applications.

Bukod pa sa nasabing apps, nagkaroon din ng outage nang 6 oras ang Instagram at WhatsApp.

“Facebook, Instagram, WhatsApp and Messenger are coming back online now. Sorry for the disruption today,” ani Mark sa kanyang Facebook post.

“I know how much you rely on our services to stay connected with the people you care about,” dugtong pa niya.

https://www.facebook.com/4/posts/10113957526871061/?d=n

https://www.facebook.com/108824017345866/posts/442863287275269/?d=n

Ayon sa ulat nagkaroon ng Domain Name System (DNS) failure ang network ng mga nasabing apps dahilan para ma-down ito.

Nito lamang Martes pasado alas-6 ng umaga muling gumana ang apat na application. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?