20

Facebook, maglulunsad ng dating service

Sharing is caring!

Para umano makatulong sa mga tao na magkaroon ng karelasyon, magdadagdag ng kanilang dating service ang Facebook Inc.

Ayon kay Chief Executive Mark Zuckerberg nitong Martes, akma umano ang dating service sa kanilang kumpanya dahil espesyalista sila sa pagkokonekta at pagbubuklod ng mga tao online.

“There are 200 million people on Facebook that list themselves as single, so clearly there’s something to do here,” ani Zuckerberg.

Layon ng dating service ay upang makahanap ng pangmatagalang relasyon ang isang tao at hindi lang para makipag-‘hook up’ o para sa seksuwal na dahilan.

Dagdag pa ni Zuckerberg, magiging pribado ang dating service at hindi makikita ng mga kaibigan sa Facebook ang dating profile ng gagamit nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?