24

Oct 9, 2021 @ 14:08
By

Facebook, Instagram bagsak uli

Sa ikalawang pagkakataon, naglokong muli ang Facebook at Instagram.

Ilang netizen ang hindi mabuksan ang kanilang FB at IG noong Biyernes, ayon sa Anadolu report.

Agad namang humingi ng paumanhin dito ang Facebook.

Anim na oras bumagsak ang Facebook at Instagram.

“We’re working to get things back to normal as quickly as possible and we apologize for any inconvenience,” pahayag ng FB.

Apat na araw lamang ito makalipas magkaroon ng global outage ang nabanggit na mga social media giant dahil umano sa “faulty configuration change”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?