29

Mar 3, 2021 @ 15:46
By

Facebook huhubaran ng Senado sa online sexual abuse

Nagtakda ang Senate women committee ng isa pang pagdinig tungkol sa talamak na insidente ng online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) kung saan pangunahing gigisahin ang mga kinatawan ng Facebook at iba pang social media platform sa bansa.

Nagkumpira na ang kanilang pagdalo ang Facebook matapos mairita ang ilang mga senador sa kanilang pag-isnab sa nakaraang pagdinig noong Martes.

“Facebook has committed to attend the next anti-OSAEC hearing,” ayon kay Senadora Risa Hontiveros, chair ng Senate committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

“We will call a next hearing to provide a platform for Facebook and other social media outfits to explain their side and open themselves to questions from legislators,” dagdag nito.

Nauna nang sinabi ng facebook Philippines na hindi sila nakatranggap ng opisyal na imbitasyon mula sa komite na kinumpirma naman ni Hontiveros.

“We have heard their explanation that their policy team did not receive the invitation that was sent,” ayon kay Hontiveros.

Sinabi ng Facebook Philippines na nagpapatupad sila ng ‘zero tolerance’ policy sa anumang uri na pag-abuso sa mga kabataan kasabay ng pagsabing gumagamit sila na teknolohiya sa lahat ng kanilang platform para mahanap at matanggal ang mga laman nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?