national-privacy-commission
By

Facebook data breach iimbestigahan ng NPC

Sharing is caring!

Umeksena na ang gobyerno sa isyu ng data breach sa Facebook matapos mapaulat na mahigit isang milyong Pilipino ang umano’y nalantad ang personal information.

Sumulat na ang (NPC) sa Facebook founder at Chief Executive Officer na si Mark Zuckerberg para magsumite ng mga dokumento sa gobyerno para mabatid kung gaano kalalim at kalawak ang nangyaring data breach sa mga Pinoy Facebook users.

Target din ng imbestigasyon na matukoy kung may nalabag na batas ng Pilipinas ang Facebook kaugnay ng pangangalaga sa private data o republic act 10173 o ang national privacy act of 2012.

Kabilang sa hahalukayin ng NPC ay kung papano naipakalat ng Facebook ang personal data ng mga Pilipinong gumagamit nito, para gamitin naman ng third party, nang hindi ipinaalam sa account owner.

“We are launching an investigation into Facebook to determine wheter there is unauthorized processing of personal data of Filipinos, and other possible violations of the Data Privacy Act of 2012,” ayon sa mga opisyal ng NPC.

Ang sulat na ipinadala kay Zuckerberg ay pirmado nina Privacy Commissioner Raymund Enriquez Liboro at Deputy Commussioners Ivy Patdu at Leandro Aguirre.

Nauna rito pinawi ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pangamba ang mga Pilipino, dahil bagaman mahigit isang milyong Filipino Facebook users ang nabiktima ng data breach, hindi naman aniya sa Pilipinas sa nangyari ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?