11

Sep 29, 2020 @ 9:10
By

Facebook binanatan ni Duterte

Kinastigo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Facebook dahil sa pagtanggal sa mga account at page nito, pati na mga Instagram account, na may kaugnayan sa militar at pulisya.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi, kinuwestiyon ng Pangulo ang naging aksiyon ng Facebook.

Hindi nagustuhan ng Presidente ang pag-shutdown ng Facebook sa advocacy ng gobyerno at sinumbatan ito na pinayagang mag-operate sa bansa subalit hindi naman nakakatulong sa gobyerno.

“I have learned in the past days na pati yung advocacy ng gobyerno tinanggal. Facebook listen to me. We allow you to operate here hoping that you could help us also. Now, if government cannot espouse or advocate something which is for the good of the people, then what is your purpose here in my country?,” tanong ng Pangulo.

Sinabi ng Presidente na mas pinaniwalaan at pinapaboran ng Facebook ang mga makakaliwa na gustong magpatalsik sa gobyerno, pero hindi niya papayagang magtakda ito ng polisiya sa kanyang gobyerno.

“Hindi na puwede ‘yan. You cannot lay down a policy for my government. I allow you to operate here. You cannot bar or prevent me from espousing the objectives of government,” dagdag ng Pangulo.

Matatandaang nitong nakalipas na linggo ay inalis ng Facebook ang 57 accounts, 31 pages at 20 Instagram accounts na may kaugnayan sa militar at pulisya dahil sa umano’y “coordinated inauthentic behavior”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?