6

Oct 30, 2020 @ 15:11
By

Face-to-face internship sa UP-PGH puwede na

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagpapatuloy ng face-to-face clinical internship ng University of the Philippines-College of Medicine sa Philippine General Hospital (PGH).

“Inaprubahan din po kahapon ang face-to-face medical, clinical program ng University of the Philippines College of Medicine,” pahayag ni IATF spokesperson Harry Roque nitong Biyernes sa isang televised briefing.

“Ito po ay magaganap sa UP-PGH Hospital at ito po’y magiging exception sa ilang mga omnibus guidelines ng COVID-19 na binuo ng IATF,” dagdag niya.

Magugunitang nang isailalim ang ilang bahagi ng bansa sa community quarantine noong Marso ay pinag-utos ng Philippine Medical Colleges ang pag-pull out sa mga medical intern sa mga ospital sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?