25

Sep 10, 2021 @ 8:30
By

Face-to-face hiniling ng CHED na palawigin

Hinirit ng Commission on Higher Education (CHED) noong Huwebes sa Palasyo na payagan ang face-to-face classes sa mga kolehiyo na ang lokasyon ay nasa modified general community quarantine (MGCQ) para sa piling mga kurso.

“I went to IATF to ask that limited face to face classes be allowed in certain areas in MGCQ areas so that some courses that need hands-on experience will be able to continue face-to-face,” pahayag ni CHED Chairman Prospero De Vera III.

Ang mga kursong hiniling ng CHED na ibalik sa face-to-face classes ay Engineering, Hospitality/Hotel and Restaurant Management, Tourism and Travel Management, Marine Engineering, at Marine Transportation.

Ayon kay De Vera, ang mga naturang kurso ay nangangailangan ng on-hand at masusing pagtuturo at maaaring mabulilyaso ang kalidad ng mga graduate nito kung mananatiling virtual ang mga klase.

Bukod dito, sa mga estudyanteng nasakop ng limitadong face-to-face classes, walang naospital o namatay dahil sa COVID.

Ang mga kursong medikal ang sinakop ng limitadong face-to-face classes sa nakaraang taong pampaaralan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?