38

Oct 11, 2021 @ 15:39
By

Face-to-face classes sa lahat ng kurso sinisipat ng CHED

Kinokonsidera ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagbubukas ng limitadong face-to-face classes sa lahat ng kurso sa mga pamantasang ang lugar ay kakaunti na lamang ang COVID cases at marami na ang bakunado.

“Kung papayag ang local government, kung mataas ang vaccination rate sa area [at] mababa naman ang classification as far as COVID is concerned, baka papayagan na natin sa mga susunod na buwan ang mga eskuwelahan na magli-limited face-to-face [classes] in all of their degree programs,” pahayag ni CHED Chairman Prospero de Vera ngayong Lunes.

Ayon sa CHED, posible ang pagbabalik ng limitadong face-to-face classes sa lahat ng kurso lalo’t higit may mga pamantasan na halos lahat ng faculty member ay nabakunahan na kontra COVID.

Sa kanilang tala, 73% ng mga faculty at staff mula sa 1,488 unibersidad at kolehiyo sa Pilipinas ang naturukan na.

“So malapit na tayo doon sa percentage na kailangan para maging ligtas talaga sila,” wika pa ni De Vera.

Sa ngayon, 30 kurso ang pinayagan nang magbalik sa limitadong face-to-face classes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?