74

Jan 25, 2021 @ 22:04
By

Face-to-face classes pinayagan ng CHED

Inaprubahan ng Commission on Higher Education (CHED) ang limitadong face-to-face classes para sa mga estudyanteng may kursong medisina at iba pang may kaugnayan dito pati na sa mga unibersidad mula sa mga lugar na nasa modified general community quarantine (MGCQ).

Ayon sa ulat sa “24 Oras”, kabilang sa mga paaralan na pinayagang magsagawa ng face-to-face classes ang University of the Philippines (UP) Manila, Ateneo de Manila University at Our Lady of Fatima University sa Valenzuela.

“The president has approved my recommendation to have limited face-to-face [classes] within higher education institutions in medicine and allied health sciences in MGCQ areas and in GCQ areas where the students go into COVID-19 hospitals,” pahayag ni CHED Chairman Prospero De Vera III.

Samantala, ang ibang paaralan na gustong magsagawa ng limitadong limited face-to-face classes ay dapat magsumite ng aplikasyon para rito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?