21

Dec 14, 2020 @ 21:28
By

Face-to-face class sa mga low risk area, aprub kay Duterte

Nagbigay na ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte para simulan sa January 2021 ang dry run ng face to face classes sa mga COVID-19 low risk area.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng full cabinet meeting nitong Lunes ng gabi na pinangunahan ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Roque, ipinresenta ng Department of Education (DepEd) sa Pangulo ang pagsasagawa ng pilot implementation ng face to face classes na sinang-ayunan naman nito.

Napagkasunduan sa cabinet meeting na kinakailangang makipag-ugnayan ang DepEd sa COVID-19 National Task Force para sa monitoring ng dry run.

“The Palace informs that President Rodrigo Duterte approved during tonight’s Cabinet meeting, December 14, 2020, the presentation of the Department of Education to conduct pilot implementation or dry run of face to face classes in select schools within areas with low COVID-risk for the whole month of January 2021,” ani Roque.

Ang dry run ay gagawin nang may kasamang mahigpit na pag-iingat at responsibilidad ng DepEd, mga local government unit at magulang.

Kasabay nito nilinaw ni Roque na ang face to face classes ay hindi compulsory kundi boluntaryo para sa mga estudyante o kaya mga magulang.

Kinakailangang magsumite ng permiso ang magulang para sa mga estudyanteng makikilahok sa face to face classes.

“We need to emphasize that face to face classes in schools where this may be allowed will not be compulsary but rather voluntary on the part of the learner/ parents,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?