12

Mar 3, 2021 @ 17:21
By

Face-to-face class ng 4 medical school inaprub ni Isko

Inaprubahan ng Manila City government ang plano ng apat na kolehiyo sa lungsod na magsagawa ng limitadong in-person class at clerkship program para sa kanilang mga medical at health-related course.

Ayon sa Public Information Office, kabilang sa mga paaralan ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila College of Medicine, Metropolitan Medical Center College of Arts and Sciences, Chinese General Hospital Colleges at Manila Theological College – College of Medicine.

Pinayagan din ni Mayor Isko Moreno ang hiling ng Chinese General Hospital Colleges na ituloy na ang kanilang hands-on pre-clinical training at clinical rotation sa mga laboratoryo at ospital para sa mga estudyanteng may kursong medisina, nursing, medical technology, radiologic technology at physical therapy.

Nag-alok naman si Moreno ng libreng COVID-19 testing para sa mga estudyante at guro mula sa nabanggit na mga medical school.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?