57

Jun 15, 2021 @ 20:29
By

Face-to-face class ikokonsulta ng DepEd sa DOH, IATF

Ikokonsulta ng Department of Education (DepEd) sa Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang tungkol sa posibleng pag-resume ng face to face class.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, matapos silang komunsulta ay isusumite nila ang mga rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte, na siyang magdedesisyon kung magpapatuloy na ang pisikal na pasukan sa mga eskuwelahan.

Aniya, may plano na sana ang DepEd na magsagawa ng dry run para sa limitadong face to face class nitong taon ngunit kinansela ito ng Pangulo dahil sa banta ng mga COVID-19 variant.

“Hindi nagbabago ang paninindigan ng DepEd. Education must continue no one should be left behind. Binabantayan lang ang behavior ng bagong variant,” lahad ni Briones sa Laging Handa briefing ngayong Martes.

“Ang situation ngayon, ang DepEd ay handa kasi alam naman natin ang advice ng international community, ang experience ng ibang bansa, pinag-aaralan din natin kung ano ang ginagawa ng mga ibang bansa sa Southeast Asia in light of all these development. Ang Presidente ang magde-decide,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?