12

Dec 2, 2020 @ 9:42
By

Face to face class bawal pa – Palasyo

Wala pang go signal ang Malacañang para bumalik sa face to face classes ang mga estudyante.

Tugon ito ng Palasyo sa ulat na inaprubahan na umano ng Inter-Agency Task Force ang limitadong face to face classes sa low risk areas o mga lugar sa bansa na COVID free.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na naghihintay pa ang IATF ng permiso mula kay Pangulong Rodrigo Duterte kung kailan magkakaroon ng face to face classes.

Gayonman naghahanda aniya ang Department Of Education (DepEd) sakaling mag-anunsiyo ang Presidente na maaari ng bumalik sa classroom ang nga estudyante.

“Naghihintay pa po tayo ng instruction sa Presidente. Bagamat mayroon pong paghahandang ginagawa ang DepEd, hindi pa pi allowed yan dahil hindi pa po pumapayag ang Presidente,” ani Roque.

Kasabay nito, wala aniyang pag-apruba ng DepEd ang programang learning hub ni Vice -President Leni Robredo para sa face to face classes .

“Wala pa pong approval ng DepEd at iyan ay ipinagbabawal pa,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?