100

Jun 12, 2021 @ 16:12
By

Face shield, itigil na – Sotto

Nagpahayag na rin ng kanyang opinyon si Senate President Tito Sotto hinggil sa pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.

Sa isang radio interview nitong Sabado, ang pahayag ni Sotto ay taliwas sa paniniwala ng Department of Health (DOH) at maging ng Palasyo.

“Tignan mo ibang bansa wala nang mask kasi marami na nagpapabakuna dito sa atin nag-face shield pa, ano bang klaseng diskarte yang face shield na yan,” ani Sotto.

Para sa senador, ang face shield ay para lamang sa mga nasa ospital at hindi na sa mga nasa pampublikong lugar.

“Alam mo ba ang face shield ginagamit yan sa ospital. Hindi sa kalsada na naglilinis ng bakuran. Hindi doon, tama na ang mask,” ayon pa sa senador.

Matatandaang naging mainit na issue kamakailan ang pagsusuot ng face shield matapos simulant ni Manila Mayor Isko Moreno ang ideya na itigil na ang pagsusuot nito, na agad namang kinontra ng mga ahensya ng gobyerno, partikular na ang DOH.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?