64

Nov 15, 2021 @ 22:30
By

Face shield, ‘di na required sa Alert Level 1-3

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes ang mungkahi ng Inter-Agency Task Force tungkol sa bagong panuntunang susundin sa paggamit ng face shield.

Batay sa Memorandum na inilabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea, sa mga lugar na nasa Alert Level 5 at granular lockdown na lamang required isuot sa mga pampublikong lugar ang face shield.

Samantala, nasa kamay naman ng lokal na pamahalaan at pribadong establisyimento sa isang lugar na nasa Alert Level 4 ang panuntunang susundin sa pagsusuot ng face shield.

Habang magiging boluntaryo – at hindi na required – ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, 2 at 3, gaya ng Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?