19

Jun 10, 2020 @ 15:56
By

Face masks armas ng Spain laban sa COVID-19

Sapilitang ipinatutupad ang pagsuot ng face masks sa Spain hanggat walang vaccine para sa coronavirus.

Huhulihin at papatawan ng parusa ng mga pulis ang mahuhulihang lalabag sa kautusan ng gobyerno.

Ayon kay Health Minister Salvador Illa, magpapatuloy ang ipinatutupad ng Spain pagkatapos ng state of emergency nila sa June 21, mananatili ito hanggat wala pang nahahanap na gamot laban sa COVID-19.

Simula pa noong May 21 naging compulsory sa lahat ang pagsuot ng mask sa publiko mula anim na taong gulang pataas.

May fine na 100 euros ($113) para sa non-compliance.

Hindi compulsary para sa mga sobrang bata pero rekomendadong mag suot ang mga edad sa pagitan ng tatlo at limang taon gulang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?