226

Mar 19, 2020 @ 16:04
By

Face mask na gawang Taytay, Rizal binida ng mga mananahi

Dahil sa kakapusan ng mga face mask, naisipan ng Taytay local government na isulong ang pagpapatahi ng mga washable face mask para mapunan ang kakulangan ng face mask na magagamit bilang isa sa panlaban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Mayor Joric Gacula, kilala ang Taytay sa garments/dressmaking sector kaya nakagawa ng isang paraan para makapag-ambag sa krisis na kung saan ay magpapatahi ng mga washable face mask bilang isa na rin sa mga tulong sa mga mananahi at magtetela ng Taytay.

Sa kasalukuyan ay wala pang naitalang nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng Taytay.

Nabatid na ang Taytay manufacturers din ang supplier ng mga mask mula Luzon, Visaya at Mindanao mula sa tulong ng Department of Trade and Industry habang ang DOST naman ay naglaan ng tela na ipatatahi sa mga mananahi ng Taytay.

Samantala, patuloy pa rin ang Taytay LGU sa pamamahagi ng hygiene kit kasama ang kanilang face mask at pagre-repack ng relief goods na tulad ng bigas, canned goods, noodles at iba pa para sa pang araw-araw na pag-ayuda sa mga residente alinsunod na rin sa utos at direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa enhanced community quarantine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?