46

Jul 20, 2021 @ 20:10
By

‘Fabian’ mas tumindi, lumakas bilang typhoon

Lumakas pa bilang typhoon ang bagyong Fabian.

Ayon sa PAGASA, taglay ni “Fabian” ang lakas ng hangin na 120 kph at pagbugsong hanggang 150 kph.

Patuloy na pinalalakas ni “Fabian” at sama ng panahong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility na may international name na “Cempaka” ang hanging habagat.

Nakakaapekto ang habagat sa Metro Manila, Ilocos at Cordillera regions, Zambales, Bataan, Pampanga, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Northern Palawan, Batanes at Babuyan Islands.

Hindi inaasahang magla-landfall ang bagyo ngunit posibleng itaas ang Signal No. 1 sa Batanes at Babuyan Islands.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?