57

Apr 4, 2020 @ 10:27
By

Fabella hospital napipisil para maging COVID-19 health facility

Napipisil ng DOH ang FABELLA Hospital sa Maynila na gawing health facility para sa COVID -19 patients.

Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, mayroon silang kontrata sa Fabella ng hanggang Mayo at maaaring samantalahin ito para magamit ang pasilidad.

Hindi rin aniya idial na gamitin ang barangay health stations dahil maliit at hindi makokontrol ang infection.

Nangangamba ang DOH na sa halip na makatulong ay lumala pa ang pagkakahawa-hawa kung igigiit na gamitin ang barangay health stations.

“Ang sukat po ng barangay station ay maliit lamang po ito at hindi siya papasa para sa healt facilities” ani ni Dr. Vergeire.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?