136

Jan 2, 2018 @ 14:38
By

‘F__k you 2017!’ – John Lloyd Cruz

May epekto ang social media sa career ng mga manghuhula dahil mga ordinaryong tao, puwede nang gumawa ng sariling mga hula tungkol sa mga mangyayari sa mundo ng politiko at showbiz.

Hindi kailangan ang malakas na extrasensory perception o ESP para hindi natin masabi ang mga mangyayari sa 2018, particularly sa showbiz, dahil kung pag-aaralan na mabuti, paulit-ulit lamang ang mga nangyayari na eskandalo at kontrobersya pero iba-iba lang ang mga artista na sangkot.

Nag-retire na sa panghuhula ang mga manghuhula dahil hindi na nila mabibilog ang ulo ng mga tao sa kanilang mga prediction na babawian ng buhay ang veteran actor at actress, mabubuntis si ganito at ganireng aktres, maghihiwalay ang mga showbiz couple at may mga baguhang artista na sisikat dahil taon-taon, ito naman talaga ang nangyayari sa entertainment industry.

“Fuck you 2017. You didn’t break me. Salamat,” ang deklarasyon ni John Lloyd Cruz noong January 1, 2018.

Dumaan sa pagsubok noong nakaraang taon ang professional at personal life ni John Lloyd na isang mahusay na aktor kaya walang dahilan para hindi siya makabalik sa showbiz ngayong 2018 sa kabila ng mga batikos na natanggap nila ng kanyang girlfriend na si Ellen Adarna.

Hinuhulaan na aaminin nina John Lloyd at Ellen ang pagkakaroon nila ng anak kapag isinilang na ito.

Hindi matututo ang mga showbiz personality mula sa karanasan ng ibang mga artista kaya asahan natin na masasangkot pa rin ang ilan sa mga video at photo scandal. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?