26

Oct 10, 2017 @ 12:00

F4 ticket aasintahin ng Bombers

Mga laro ngayon (FilOil Arena, San Juan)
12 noon – Mapua vs. JRU (jrs)
2:00 p.m. – Mapua vs. JRU (srs)
4:00 p.m. – SSC-R vs. AU (srs)
6:00 p.m. – SSC-R vs. AU (jrs)

Puntirya ng JRU na pasabugin ang Mapua ngayong araw upang sikwatin ang Final Four berth sa 93rd NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan mamaya.

Sa pangalawang laro, magkatapat ang parehong buhay pa sa F4 na San Sebastian College (7-8) at Arellano (5-9).

Kinaldag ng Bombers ang Stags 60-58 noong Biyernes upang sungkitin ang 10th win sa 16 na laro, panigurado sila sa playoff para sa Final Four seat.

Kapag nanalo ang JRU sa Mapua, pormal na sasampa ang Kalentong-based dribblers sa Final Four kasama ang Lyceum Pirates (16-0) at the San Beda Red Lions (15-1).

“It will be a mistake to underestimate Mapua, they’re playing well right now,” saad ni Jose Rizal coach Vergel Meneses. “Walang pressure ang Mapua gusto lang nila maglaro para high note sila pagkatapos ng elimination round. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?