50

F4 ng NCAA Season 93 women’s volley, kumpleto na

Sharing is caring!

Sumahog ang University of Perpetual Help sa Final Four ng NCAA Season 93 women’s volleyball tournament nang padapain ang College of St. Benilde, 27-25, 25-23, 11-25, 32-30, nitong Martes sa The Arena sa San Juan.

Lumagak sa No. 3 spot na may tangang 7-2 win-loss record ang Lady Altas na haharapin ang San Beda College sa semifinals.

Samantala, nasa No. 4 spot ang Jose Rizal University, na dinispatsa ang Lyceum at makikipagbakbakan sa defending champion Arellano University.

Nagsanib sina Cindy Imbo at Lourdes Clemente para pangunahan ang Lady Altas sa naitalang 16 at 15 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?