30

Oct 29, 2020 @ 17:16
By

F4 magre-reunion

Magsasama-samang muli ang Taiwanese boy band na Flower Four o F4 na nakilala sa hit series na “Meteor Garden”.

Magbabalik ang F4 members para sa “One Thousand and One Nights” event ng Jiangsu TV sa October 30 ng 8PM.

Sa article na ipinost nitong Huwebes, inanunsyo ng Jiangsu TV ang full lineup sa event kabilang ang Flower Four members na sina Jerry Yan, Vanessa Wu, Ken Zhu at Vic Zhou.

Binahagi naman sa Facebook page ng mga fan ni Barbie Hsu, ang leading lady sa “Meteor Garden”, ang tungkol sa reunion.

Huling lumabas ang F4 sa Jiangsu TV sa Spring Festival Special nito noong 2013, o pitong taon na ang nakalipas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?