43

Sep 29, 2017 @ 22:07

F4 bonus hahabulin ng Lions

Tangka ng defending champion San Beda na isukbit ang natitirang twice-to-beat advantage sa Final Four laban sa Arellano University sa 93rd NCAA basketball sa FilOil Flying V Centre, sa San Juan.

Swak na sa semifinals ang Red Lions matapos ang 65-60 panalo laban sa JRU Bombers noong Biyernes, itatarak ang  pang-13 panalo sa 14 na laro laban sa last year’s runner-up Chiefs.

Markado si Davon Potts ng San Beda dahil sa kanyang clutch baskets sa huling laban, tumipa ng eight sa kanyang 14 points sa fourth.

“Credit to his work ethic,” patungkol ni San Beda coach Boyet Fernandez kay Potts.

Krusyal na ang mga laro ng Arellano (5-8), kailangan ng mga panalo sa limang larong natitira sa kanila. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?