126
abante-tnt-vismin-f2-logistics
Jul 29, 2018 @ 13:38
By

F2 Logistics nasungkit ang PSL Invitational crown

Nasungkit ng F2 Logistics Cargo Movers ang korona ng Chooks-to-Go – Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference matapos nitong pataubin ang Petron Blaze Spikers sa loob ng apat na sets, 25-18, 23-25, 25-22, 25-18, Sabado sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nanguna para sa Cargo Movers ang mga beteranong sina Aby Marano na pumalo nang halos at Ara Galang na may tig-15 puntos sa kanilang pangalan.

Hindi naging madali sa F2 ang panalo dahil naging tinik para sa kanila si Sisi Rondina na kumubra ng halos ng 20 puntos, 18 attacks at dalawang blocks, sa loob ng apat na sets.

Pero kumapit ang Cargo Movers sa kanilang kalamangan sa pagpasok ng ikaapat na set para maipwersa na gumawa ng maraming error ang Petron.

Sumandal din nang husto ang F2 sa kanilang blocking at mga running hits na talaga namang nagpa-angat sa bata ni coach Ramil de Jesus.

Sa huling minuto tangan ng Petron ang kalamangan, 24-17, hanggang sa nagkamali si Marano sa kanyang atake at naitala ang 25-18 at isang attack error mula kay Bernadeth Pons ang nagtapos ng laro.

Nakabawi ang tropa ng F2 dahil noong Grand Prix Conference finals ng liga ay natalo ito ng Petron Blaze Spikers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?