41

By

F2 huhugot ng lakas kay Perry

Mainit na sinalubong ng F2 Logistics Cargo Movers ang kanilang bagong reinforcement para sa PSL Grand Prix 2019 na si Rebecca “Becky” Perry.

Orihinal na mula sa Austin, Texas at ngayo’y naturalized Italian player, unang naglaro si Perry ng kanyang professional volleyball career sa Lancheras de Catano club sa Puerto Rican Superior Liga noong 2011.

Nakapaglaro rin ang 6’3″ open/opposite hitter sa iba’t ibang liga sa Italy, Poland, Turkey, South Korea at marami pang iba.

Nag-post si Perry sa kanyang Instagram account na may caption na, “I am so excited to announce that I’ll be playing for @f2cargomovers in The Philippines! It has been a dream of mine to play in a country with SO much support for this sport. I’m really confident that I can help this team win a championship, Tara na F2!”

Inaasahan na magiging malaki ang parte ni Perry sa Cargo Movers sa gaganaping PSL Grand Prix 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?