59

Mar 16, 2018 @ 20:22
By

F2, Foton karera sa No. 2 spot

Mga laro sa Maro 17 (Muntinlupa Sports Center)

1:45 pm – Foton vs. F2

4:10 pm – Cignal vs. Smart

Winalis ng Petron ang 7 games sa first round, unahan sa second spot ang F2 Logistics at Foton sa dayo ng Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix sa Muntinlupa Sports Center bukas.

Balyahan naman ang Smart at Cignal sa second game ng women’s tourney na suportado ng Isuzu, UCPB at official broadcaster ESPN5.

Kaldagan para sa no. 2 ang F2, Cocolife, Foton, Sta. Lucia at Cignal.

Hawak ng Cargo Movers ang 4-1 slate, kabuntot ang Asset Managers (4-3) at magkakabuhol sa 2-3 na Tornadoes, Lady Realtors at HD Spikers.

Iiwas ang F2 sa direktang pakikipagbanggaan sa Petron sa second round, kaya kailangan ipanalo ang huling dalawang laro.

“Our last two games against Foton and Generika-Ayala are very crucial to our standing in the first round,” ani F2 Logistics coach Arnold Laniog.

Pipigain ni Foton coach Rommel Abella sina imports Elizabeth Wendel at Brooke Kranda para mapigil ang Cargo Movers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?