113
F2 ayaw bayaran si Perry
Jun 10, 2019 @ 16:51
By ,

F2 ayaw bayaran si Perry

Kailangang magpaliwanag ng pamunuan ng F2 Logistics Cargo Movers matapos ang maaanghang na rebelasyon ni dating import Becky Perry ilang araw bago ang pagpalo ng All-Filipino Conference ng PSL.

Sa Twitter post ni Perry, ibinunyag nito na makailang beses niyang kinausap ang pamunuan ng F2 para kunin ang bayad para sa kanyang serbisyo pero hindi niya ito makuha.

“After multiple attempts to reach out to F2, finally I was made aware that they are refusing to pay me what I am owed because the president didn’t like that I disagreed with his unprofessionalism in the way that he released me,” tweet ni Perry.

Matatandaan na si Perry ang unang kinuha ng Cargo Movers bilang reinforcement nito bago siya sibakin at palitan ni MJ Perez sa kalagitnaan ng second round ng PSL Grand Prix 2019.

Samu’t sari reaksyon mula sa netizens naglabasan ang matapos ang pagbubunyag na ginawa ni Perry at sabay-sabay din itong nanagawan na sagutin ng F2 ang nasabing isyu.

Ayon kay Glam Balibolista (@GlamazonVolley): “This should be settled in the most professional way as soon as possible. There is a contract that should be followed. This is reflective of the company and this is not good.”

Para naman kay John Phillip Rada (@johnphiliprada): “Hey @F2CargoMovers ! Sana maayos na o makapagusap bago mag-umpisa AFC. Baka makaapekto pa yan sa team sa buong conference.”

Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng Cargo Movers tungkol sa mga birada ni Perry.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?