43

Nov 6, 2018 @ 18:06
By

Eze ng Perpetual, 94th NCAA MVP

Pinangalan bilang Most Valuable Player ng NCAA Season 94 ang foreign student mula Perpetual Help na si Prince Eze at siya rin ang Defensive Player of the Season.

Dahil sa pagkakasuspende ni CJ Perez, naiuwi ni Eze ang MVP award sa nakulektang 61.39 Player All-Around Value (PAV) habang si Mr. Triple-double ng Letran na si Bong Quinto ang pumangalawa ng may 48.83 PAV.

Ang tatlong ace players naman ng San Beda Red Lions na sina Robert Bolick (48.39), Javee Mocon (47.89) at Donald Tankoua (46.56) ang kumumpleto sa Mythical Five ng liga.

Si Larry Muyang naman ang tinanghal bilang Rookie of the Year na may 42.0 na PAV habang si Archie Concepcion naman ang Most Improved Player.

Nasa Defensive Team naman sina Hamadou Laminou, Mike Nzeusseu, Michael Calisaan at Donald Tankoua.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?