13

Jul 31, 2020 @ 13:27
By

Eye injury balewala kay Anthony Davis

KAHIT may iniindang sakit sa mata, hindi ito naging dahilan upang mabawasan ang bangis ni Anthony Davis.

Nanatiling naging malinaw ang paningin ni Davis upang pangunahan nito ang 103-101 panalo ng Los Angeles Lakers sa Los Angeles Clippers sa restart ng 2019-2020 NBA season na ginanap sa Walt Disney World sa Orlando, Florida Huwebes (Biyernes sa Pilipinas).

Nakaraan lamang ay nasundot ang mata ni Davis sa isang laro nila sa exhibition game kaya hindo ito nakalaro sa kanila huling scrimmage.

Abante ng apat, 96-92, ang Lakers may 3:27 minuto pa sa orasan pero naibaba ito ng Clippers sa isa matapos isalpak ni Paul George ang pandiin na tres.

Subalit naging matatag ang Lakers sa bandang huli upang sikwatin ang 50-14 panalo talo karta.

Kumana si Davis ng 34 points at walong rebounds habang 16 puntos, 11 rebounds at pitong assists ang kinana ni four-time Most Valuable Player (MVP) LeBron James.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?