127

May 31, 2019 @ 15:27
By

Eya susundan si EJ sa Foton

Hindi lang Santiago sisters ang dapat abangan sa Foton Tornadoes Blue Energy dahil pati ang Laure sisters ay magpapasiklab na rin para sa koponan.

Muling magsasama ang Laure sisters na sina EJ at Eya Laure sa loob ng court para sa Philippine Superliga All Filipino Conference 2019 simula Hunyo 15.

Matatandaan na ilang taon ding nagarahe sa paglalaro si EJ dahil sa injuries na natamo nito.

Ngunit hindi lang si UAAP Season 81 women’s volleyball Rookie of the Year Eya ang madadagdag sa koponan.

Natapik din ng Foton sina UP standouts Marian Buitre at Justine Dorog at UAAP Season 81 Best Setter Lai Bendong mula UE.

Bukod sa Santiago sisters, makakasama din nga mga ito sina veterans Mina Aganon, Jen Reyes, Shaya Adorador at Ivy Perez sa koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?