68

Mar 5, 2020 @ 14:29
By

Eya, EJ Laure ‘nagbabasagan’

Kakaiba ang motibasyon ng mag-ateng EJ at Eya Laure ng UST Golden Tigresses.

Nagta-trash talk sila sa isa’t isa. Nagbabarahan. Nagbabasagan.

“Kasi yung ate ko, kumbaga parang tsina-challenge niya talaga ako sa depensa. Lagi kaming nagta-trash talk, kaming dalawa. Pati sa training, nagta-trash talk kami tungkol sa depensa. ‘Yun ang isa sa pinagtuunan ko din after nung last season, ‘yung depensa,” kwento ng nakababatang si Eya.

Muling nagtambal suot ang kanilang UST Golden Tigresses jersey ang magkapatid sa unang laban ng koponan kontra NU Lady Bulldogs nitong Miyerkoles sa UAAP Season 82 women’s volleyball tournament.

Nagtala si EJ ng 17 points, 20 digs at 12 excellent receptions habang umiskor naman si Eya ng 20 points at 18 digs para sa UST.

Sa kasamaang palad, hindi naiahon ng magkapatid ang Golden Tigresses laban sa Lady Bulldogs, 25-22, 23-25, 25-20, 20-25, 13-15.

Gayunman, masaya p arin ang dalawa sa kanilang muling pagsasama sa court.

“Siyempre happy kasi after ilang years andito na ulit kami,” sambit naman ni EJ matapos lumiban noong Season 80 at 81 dahil sa natamong injury.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?