290

Oct 23, 2019 @ 17:38
By

Extradition bill na ugat ng mga protesta sa HK, tuluyan nang ibinasura

Pormal nang binasura ang kontrobersiyal na extradition bill na nagdulot ng mga kaguluhan sa Hong Kong.

Naging mitsa ng sunod-sunod na rally sa Hong Kong ang naturang panukala noong Abril.

Sa naturang bill, puwedeng i-extradite papunta sa Tsina at sa iba pang teritoryo nito ang mga taga-Hong Kong na may kaso.

Tinutulan ito ng mga taga-HK dahil sa tingin nila’y paraan ito ng Beijing para magkaroon ng kontrol sa Hong Kong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?