84

Nov 18, 2021 @ 16:03
By

Extension sa pagsagot ng DQ case ‘di totoo! Comelec sinermunan kampo ni Marcos Jr.

Pinabulaanan ng Commission on Elections nitong Nobyembre 17, ang pahayag ng kampo ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nabigyan ito ng extension para maghain ng tugon sa mga petisyon laban sa kandidatura ni Marcos sa pagkapangulo.

Ayon sa pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez sa briefing, wala raw karapatan ang kampo nila na magsabi ng balitang ito.

“Sabi sila ng sabi, wala naman silang karapatang magsabi niyan. The parties cannot predict when the division will rule,” saad nito.

Paglilinaw ni Jimenez, nananatiling nakabinbin ang motion for extension ni Marcos.

Nitong Huwebes, matatandaang nilinaw ng tagapagsalita ni Marcos na binigyan sila ng Comelec ng pito pang araw para sagutin ang mga petisyong inihain laban sa kandidatura ni Marcos.

“Comelec granted us an extension to reply to the petition. We were given seven days from yesterday,” sabi ni Vic Rodriguez, spokeperson ni Marcos, sa panayam sa CNN.

Nakatakda naman ang preliminary conference ng Comelec’s Second Division sa Nobyember 26 para sa unang petisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?