7

Nov 5, 2020 @ 14:25
By

Extension ng hindi pagbasura sa VFA okay – Sotto

Magandang hakbang umano ang posibleng anim na buwang pagpapalawig ng suspensiyon sa pag-terminate sa Visiting Forces Agreement (VFA) ng bansa sa United States.

“It’s a good move while the executive department is reviewing the pros and cons of the agreement, especially our defense relationship,” ayon kay Senate President Vicente Sotto III sa kanyang mensahe sa mga reporter.

Ang VFA ang nagkokontrol sa pagbisita ng US personnel at pagsasagawa ng military exercise sa bansa.

Sinabi naman ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III, na kay Pangulong Rodrigo Duterte kung gusto niyang suspendhin ang kanyang desisyon na ibasura ang VFA of paliwigin pa ito.

“The chief executive [President] can terminate the VA, dan suspend his decision to abrogate the VFA, can keep one extending the suspension, etc. Of course always subject to what the other contracting state party does,” sabi ni Pimentel, chairman ng Senate Committee on Foreign Relations.

“When the chief executive enters into a new treaty then Senate concurrence is needed before the treaty can be effective here in PH o bind PH as state party,” dagdag pa nito.

Noong Marso naghain si Sotto at iba lang senador ng petisyon sa Korte Suprema kaugnay ng papel ng Senado sa treaty withdraw kasunod nang desisyon ni Duterte na ibasa ang VFA noong Pebrero.

Ginawa ng Pangulo ang desisyon kasunod ng pagkasenla ng US visa ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kaugnay ng papel nito sa kontrobersiyal na anti-drug war ng gobyernong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?