drug-lab
By

Extension ng drug lab sa Malabon, sinalakay

Sharing is caring!

Ni-raid ng pinagsamang mga tauhan ng Malabon City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang umano’y extension ng nauna na nilang sinalakay na drug laboratory sa lungsod ng Malabon at Batangas kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Senior Insp. Carlos Cosme, Jr., ng Malabon City Police-Station Drug Enforcement Unit, isinagawa ang nasabing pagsalakay sa bisa umano ng search warrant, ganap na alas-tres ng hapon sa warehouse sa Tila Street, Barangay Santolan ng nasabing lungsod.

Ayon kina PDEA Dir. Aaron Aquino at Deputy Dir. for Operation Atty. Ruel Lasala, wala silang naaresto sa nasabing pagsalakay dahil nagsisilbi lamang umanong imbakan ng mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu ang lugar.

Dito umano inilalagay ang mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu at ecstasy mula sa nasalakay na ring laboratoryo sa Batangas at Tinejeros na pinapatakbo ng Dragon Wu Drug Syndicate.

Sa ngayon, kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbentaryo ang mga tauhan ng PDEA at lokal na pulisya sa mga nakumpiska nilang mga plastic jars at mga drum ng kemikal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?