33

Dec 15, 2017 @ 15:37
By

Extended martial law, tutukan ng Kongreso

Mahigpit na babantayan ng Kongreso ang implementasyon ng isang taon pang pagpapairal ng martial law sa Mindanao.

Oobligahin ng mga kongresista ang Defense Department na regular na magreport sa kanila ukol sa patuloy na implementasyon ng martial law sa Mindanao.

Nauna nang nangako si Defense Secretary Delfin Lorenzana na regular na magsusumite ng report kaugnay ng martial law implementation.

Sa gitna nito’y hinimok naman ni Quezon City Rep. Winston Castelo ang publiko na pagtiwalaan si Pangulong Rodrigo Duterte at huwag nang bahiran ng duda ang intensiyon nito na tuldukan ang terorismo sa Mindanao.

Naniniwala si Castelo na hindi madali para sa pangulo na magpasya na palawigin ang batas militar pero masyadong mabigat ang isyung pang-seguridad sa Mindanao na hindi nito kayang balewalain.

Sa panig ni CIBAC partylist Rep. Sherwin Tugna, bagama’t suportado nito ang martial law extension, nagpaalala ang kongresista sa mga sundalo na hindi ito lisensya para lumabag sa katapatang pantao. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?