47

Oct 16, 2017 @ 17:56

Export, import permit pwede nang iproseso online

Simula sa Disyembre, maari nang iproseso ng mga trader sa pamamagitan nang online ang import at export permit para sa pitong uri ng mga commodoties.

Ayon sa Department of Finance, ito ay sa pamamagitan ng TradeNet.gov.ph kung saan maari nang gawin ang online facilitation para sa bigas, asukal, used motor vehicle, kemikal, frozen meat, medisina at cured tobacco.

“The initial deployment will allow traders to use the system for the first seven commodities that represent fifty percent of the total trade volume of the Philippines,” ang saad ni Finance Undersecretary Gil Beltran.

Sa pamamagitan ng nasabing sistema, maaring mag-aplay ang mga trader ng permit sa Bureau of Animal Industry, Bureau of Internal Revenue, Bureau of Customs, Bureau of Plant Industry, Fair Trade and Enforcement Bureau, National Food Authority at National Tobacco Administration.

Ang programa ay magsisilbing National Single Window na mag-uugnay sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Single Window.

Sa ilalim ng online trade facilitation, ipinaliwanag ni Beltran na inaasahang mapapaikli ang oras ng pagproseso ng import at export clearance at ang mga dokumentong kailangang isumite. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?