30

Nov 1, 2018 @ 18:14
By

Expiration ng visa ni Sister Fox, walang epekto sa deportation case niya – DOJ

Hiwalay at kaibang kaso ang deportation case na kinakaharap ng Australyanong madre na si Sister Patricia Fox sa pagpaso ng kanyang tourist visa.

Ito ang nilinaw ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra.

Nabatid na ang tourist visa ni Sister Pat ay magpapaso na sa November 3.

Paliwanag ni Guevarra, sakaling pumabor kay Sister Pat ang resulta ng deportation case, maaari siyang mag-apply na maalis ang kanyang pangalan sa blacklist ng Bureau of Immigration (BI) at muling hilingin na makabalik sa Pilipinas.

“The deportation case is a totally different matter. Sister Fox must leave after her visa expires, without prejudice to the DOJ decision in the deportation case on appeal. If Sister Fox eventually wins, her name will be removed from the immigration blacklist and she may return to the Philippines,” paliwanag ni Guevarra.

Nauna nang kinumpirma ng mga abogado ni Sister Pat na nakatakda nang umalis sa Pilipinas si Sister Pat dahil sa nalalapit na pagpaso ng kanyang visa.

Nakabinbin pa rin sa DOJ ang petition for review ni Sister Pat na kumukuwestiyon sa deportation order na inisyu ng BI laban sa kanya.

Nauna ng nagdesisyon ang BI na ipa-deport si Sister Fox kasunod ng paglabag umano nito sa probisyon ng iginawad na missionary visa matapos siyang dumalo sa ilang political rally, na mahigpit na ipinagbabawal ng batas sa mga bumibisitang dayuhan sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?