94

Dec 29, 2017 @ 16:08
By

Expiration date sa mga gift checks, bawal na

Isa ng ganap na batas ang pagbabawal na magtakda ng expiration date sa mga gift checks o gift certificates.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 10962 o An Act Regulating the Issuance, Use and Redemption of Gift Checks noong December 19.

Layunin ng batas na maproteksiyunan ang publiko laban sa hindi patas na sales practice.

Sa ilalim ng bagong batas, inaatasan ang Department of Trade and Industry (DTI) na ipatupad ang batas at ang sinomang lalabag nito ay pagmumultahin ng mula P500,000 hanggang isang milyong piso.

Ang mga dating gift checks ay mayroong expiration dates kayat kapag hindi nagamit agad ay hindi na ito mapapakinabangan.

Patok ang gift checks o gift certificates sa panahon ng kapaskuhan dahil ginagamit din itong panregalo sa halip na magbigay ng cash. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?