32

Jan 7, 2022 @ 9:53
By

Expert: Bagong variant sa France hindi ’cause of concern’

Hindi pa itinuturing na panibagong banta ng COVID-19 ang natuklasang virus mutation sa France.

Ito ang iniulat ni Dr. Edsel Salvaña, Infectious Disease Specialist sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes ng gabi matapos lumutang ang bagong virus mutation na IHU.

Ayon kay Salvaña, minomonitor na ng World Health Organizarion (WHO) ang IHU pero hindi pa aniya ito cause of concern.

Nobyembre pa aniya noong nakalipas na taon minomonitor ng mga eksperto ang IHU at hindi pa nakita na panibagong banta ito sa dinaranas na kalbaryo ng buong mundo.

“So ito po ang ni-release ng WHO, ang sinabi po nila, it is not a threat at this time. So it is something that we are monitoring. And even the people who wrote the paper from IHU, ang sabi nila it is too early to speculate on the virological, epidemiologic, or clinical features of this IHU variant,” ani Salvaña.

Patuloy aniyang minominotor ang IHU pero ang dapat na tutukan sa ngayon ay ang Delta at Omicron COVID variants dahil sa panganib na hatid ng mga ito.

Sinabi ni Salvaña na napakabilis kumalat ng Omicron virus kaya dapat paspasan ng gobyerno ang pagbakuna para mayroong proteksiyon ang mga tao sa COVID-19.

“Mr. President, we will continue to monitor this po. But right now, I think our attention really has to be on Delta and Omicron because this is really wreaking havoc all over the world,” dagdag ni Salvaña. (Aileen Taliping)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?