25

By

Expanded Maternity Bill paplantsahin pa kaya bigay-bawi

Sharing is caring!

Maghahabol ang Senado at Kamara ng ilang pagbabago sa Expanded Maternity Bill kaya binawi ang pag-apruba dito ng Bicameral Conference Committee.

Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, isa sa nag-akda ng panukala, maaari pa nila itong gawin dahil hawak pa naman ito ng dalawang kapulungan o hindi pa ito naipadadala sa Malacañang.

“Una, hindi pa naisa-submit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ratified Expanded Maternity Leave Law. Kung kaya ang batas ay nasa pangangalaga pa ng lehislatura,” paliwanag ng senadora.

Babaguhin umano ang ilang probisyon sa panukala ukol sa pagbibigay ng tax exemption na pinuna ng Department of Finance.

“Dahil dito, at resulta na rin ng konsultasyon sa mga advocates, ating kinokonsidera ang ilang komento ng Department of Finance (DOF) ukol sa batas. Amin muling ire-review ang batas upang lubusang tiyakin ang kahusayan nito bago ipadala sa Executive branch,” pahayag ni Hontiveros.

Kumpiyansa naman ito na maisasabatas pa rin ang panukala bago magsara ang taon.

Sa panukalang batas, magiging 105 araw ang paid maternity leave, kasama ang pitong araw na maaring ipasa sa asawa.

May dagdag na 15 araw para sa mga solo mother.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?