29

Jun 24, 2022 @ 11:59
By

Expanded Career Progression System para sa mga guro, nilagdaan ni Duterte

Magkakaroon na ng bagong titulo sa posisyon ang mga pampublikong guro sa elementarya at highschool na magiging daan para sa kanilang promosyon.

Sa pamamagitan ng Executive Order no.174 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong June 23, 2022, itinakda ang classroom teaching career line bilang Master Teacher I; Master Teacher II; Master Teacher III; Master Teacher IV; at Master Teacher V.

Kinakailangang makamit ang mga kwalipikasyon na itinakda ng Civil Service Commission (CSC) para sa nasabing mga posisyon pati na rin ang teaching proficiency level na katumbas ng Career Stage III ng Philippine Professional Standards for Teachers.

Para naman sa School Administration Career Line, ang magiging title ay School Principal I; School Principal II; School Principal III at School Principal IV.

Kinakailangang maabot ang minimum qualification requirements na itinakda ng CSC at proficiency level para sa school head alinsunod sa nakapaloob na criteria sa Philippine Professional Standards for School Heads, at makapasa sa school head assessment ng Department of Education.

Inatasan ng Pangulo ang Department of Budget and Management (DBM) na bumuo ng bagong position titles at angkop na salary grades para dito.

“Upon approval of this order, the Department of Budget and Management shall create new position titles of teacher IV, teacher V, teacher VI, teacher VII at master teacher V, at isama sa Index Occupational Services, Occupational Groups, classes and salary Grades,” anang EO.

Nakasaad din sa EO ng Pangulo na kinakailangang bumalangkas ng joint regulation sa loob ng 90 araw ang CSC, DBM, DepEd at PRC para sa epektibong implementasyon nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?