14

Jul 3, 2020 @ 14:35
By

EXO’s Kai naghahanda para sa solo debut

Ito na nga ang hinihintay ng mga fan: magkakaroon na ng solo debut si dancing machine Kim Jongin!

Ngayong Biyernes, napaulat na si Kai na ang susunod na EXO member na merong solo debut.

Ayon sa mga insider, naghahanda ang K-pop star para sa kanyang solo debut album na ilalabas sa latter half nitong taon.

Kinumpirma ng SM Entertainment ang ulat at sinabing, “It’s true that Kai is preparing for his solo debut. We will announce the schedule once it is finalized.”

Kapag nagkataon, magso-solo debut si Kai walong taon matapos mag-debut bilang kasapi ng EXO.

Sa ngayon, mayroon nang solo debut ang mga EXO member na sina Baekhyun, Chen, Suho, at Lay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?