28

Jun 10, 2021 @ 19:40
By

‘Exort’ wala na rin sa NXP

Patuloy ang pagbalasa ng Nexplay Esports (NXP) ng kanilang lineup matapos nilang pakawalan ang support na si Dexter ‘Exort’ Martinez.

“The MPL Season 7 has become a crazy yet successful journey for our ML team, and Exort has become a great part of it. However, today we would like to announce Exort’s exit from our ML team roster,” saad ng koponan sa kanilang Facebook page nitong Huwebes.

“Thank you for being a part of Nexplay Esports, and we wish you the best in your future endeavors,” dagdag pa ng NXP.

Kamakailan lamang ay nilisan na rin ni Tristan ‘Yawi’ Cabrera ang koponan.

Inaasahan na rin ng maraming Mobile Legends fans ang mga pagbabago sa roster ng NXP matapos ang kanilang nakakadismayang kampanya sa MPL Season 7.

Samantala, sa kanyang sariling Facebook account ay nagsisimula na ring maghanap ng bagong koponan si Exort.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?