375

By

Executive assistant ni Junjun Binay, binaril

Tinarget ng riding-in-tandem ang executive assistant ni ex-Makati Mayor Junjun Binay, Huwebes ng gabi.

Ayon sa pulisya, binaril si Monaliza Bernardo sa harap ng apartment nito na kakagaling lang sa trabaho.

Natamaan sa bandang kamay na lumusot sa tiyan si Bernardo at agad na naisugod sa Makati Medical Center para sa agarang lunas.

Saad ng mga nakasaksi, kitang nagmamanman ang dalawang nakamotorsiklo sa lugar bago mangyari ang krimen.

Isang basyo ng kalibre 45 ang nahanap sa crime scene.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?